Posts

Showing posts from 2015

Si Michelle at ang Bus Pauwi

Image
hindi sa akin ang larawan na ito. (cto) Natapos na naman ang isang araw ko sa trabaho, ito ang unang trabaho ko simula ng grumadweyt ako sa kolehiyo. Ang hirap pala magtrabaho pero masaya naman dahil nagagamit ko ang pinag-aralan ko sa loob ng apat na taon sa unibersidad. Mababait rin ang mga katrabaho ko, ako ang pinakabata sa opisina pero hindi sila mahirap pakisamahan. Yun nga lang hindi ko masydong mailabas ang kalokohan ko dahil mga seryoso na ang mga tao doon. Kung magkaedad din kaya ako ay magiging ganun na ako kasersoyo? Parang ayoko naman. Kasabay ko ang ilan sa mga katrabaho ko papunta sa sakayan ng bus, pero iba iba kami ng sasakyan pauwi at yung iba naman ay jeep ang sinasakyan. Pag dating ko sa bus stop, ayun sakto may isang bus na maluwag. Mukang suswertihin ako ngayon at hindi ko na kakailanganin ilabas ang mandirigmang nakatago sa loob ko para makipaglaban para sa iisang upuan na sampu ata ang gustong umupo. Myerkules na kasi ngayon kaya maluwag na ang mga bus...